^

Probinsiya

Parak tiklo sa rape

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak tiklo sa rape
Sa report ng Zamboanga City Police ang suspect ay isang imbestigador sa Police Station 2 sa Curuan ng lungsod.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang parak na inaresto matapos itong akusahan ng isang menor-de-edad ng umano’y panggagahasa laban sa kaniya sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Zamboanga City Police ang suspect ay isang imbestigador sa Police Station 2 sa Curuan ng lungsod.

Inaresto ang suspect nitong Martes ng mga ope­ratiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group-Mindanao Fiel Unit.

Hindi na nakapalag ang parak matapos na arestuhin ng mga kapwa nito miyembro ng PNP.

Ang nasabing parak ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Dapitan City court kaugnay ng kasong 3 counts ng rape, isa rito ay inihain ng isang menor-de-edad.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte laban sa nasabing pulis kaugnay ng kaso.

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with