^

Police Metro

2 sundalo utas sa Sultan Kudarat ambush

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sundalo makaraang sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang dalawang armadong lalaki sa naganap na ambush sa kahabaan ng national highway, Brgy. Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, nitong Miyerkules ng gabi sa kabila ng umiiral pa rin ang gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) kaugnay ng ginanap Parliamentary elections sa rehiyon noong Setyembre 14.

Kinilala ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region (PRO-BAR) ang mga biktima na sina PFCs Johnmark Dumaguing at Jobert Labuson, pawang kasapi ng Army’s 7th Infantry Battalion (IB).

Sa ulat, alas-6:10 ng gabi ay sakay ang dalawang sundalo ng motorsiklo galing sa pagbili ng pagkain sa tindahan at kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar nang bigla na lamang paulanan ng bala ng mga suspect na sumusunod sa kanila.

Nagawa pang maisugod sa Cotabato Regional Medical Center sa lungsod ng Cotabato ang dalawang sundalo, pero kapwa sila idineklarang dead-on-­arrival.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa krimen.  

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with