^

PM Sports

Sotto bumida sa panalo ng 36ers vs JackJumpers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nagpakitang-gilas si Kai Sotto sa kanyang ikalawang sunod na starting gig matapos tulungan ang Adelaide 36ers sa 93-82 panalo kontra sa Tasmania JackJumpers sa 2022-2023 regular season ng Australia National Basketball League.

Tumikada ng 9 points, 3 rebounds at 2 blocks ang Filipino tower sensation sa 14 na minutong aksyon lang upang mapabilib uli ang home fans sa Adelaide Entertainment Center.

Ito ay matapos siyang umariba sa 13 markers, 8 rebounds, 1 assist at 1 tapal sa 21 minutong aksyon sa kanilang 108-77 panalo kontra sa Brisbane Bullets.

Kontra sa JackJum­pers, solido ang suporta ni Sotto kay Antonius Cleveland na may 20 puntos at 10 rebounds.

Nag-ambag din ng 16 markers si Anthony Drmic, 12 si Sunday Dech at 11 si Robert Franks para sa 36ers.

Dahil dito, nakabingwit ng dalawang sunod na panalo ang Adelaide upang matablahan ang Tasmania sa sixth place hawak ang parehong 8-8 kartada.

Sunod na makakalaban ng 36ers ang South East Melbourne Phoenix (11-7) bukas para sa misyong lalong mapatatag ang puwesto sa playoff picture.

Tanging anim na koponan lang ang papasok sa NBL playoffs, bagay na kinapos ang 36ers sa unang season ni Sotto matapos magkasya lang sa ikapitong puwesto bitbit ang 10-18 baraha.

 

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with