^

True Confessions

Damo sa Pilapil (31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALA na si Mam Dulce at nakapasok na ay nananatili pa ring nakatayo at hawak ni Zac ang sobreng may lamang pera na ibinigay ni Mam Dulceamor. Mahirap nang makatagpo ng tulad ni Mam Dulce. Kapag binabalikan ni Zac ang mga pangyayari kung saan sila unang nagkaki­lala ni Mam ay hindi pa rin siya makapaniwala na aabot sa ganito ang pagtulong ng mabait na babae. Bihira na talaga sa panahong ito ang katulad ni Mam na bukod sa binigyan siya ng trabaho at pinatira sa bahay ay pinag-aaral pa. Kahit pa siguro bali-baliktarin ang mundo ay mahirap makahanap nang katulad ni Mam Dulceamor. Kaya hindi matapus-tapos ang kanyang pagpuri sa mabait na babae. Kahit sino siguro ay ganun ang gagawing pagpuri dahil talagang kapuri-puri si Mam Dulce.

Nagtungo siya sa kanyang kuwarto at binuksan ang sobreng bigay ni Mam Dulce. Binilang ang pera. Sobra-sobra nga iyon para sa tuition niya kaya mapapadalhan niya ang mga magulang at kapatid sa probinsiya sa utos na rin ni Mam. Bukas, pagkatapos niyang mag-enroll at magbayad ay padadalhan niya ng pera ang mga magulang. Baka itanong ni Mam kung napadalhan na niya ng pera ang mga magulang ay wala siyang maisagot. Mabait talaga si Mam na pati na mga magulang niya ay naalala. Hindi lamang siya ang tinutulungan kundi pati kanyang mga magulang na hindi pa nga nito nakikita. Sobrang kabaitan talaga ni Mam. Kaya nga ang tangi niyang maigagan­ti kay Mam ay ang tapat na paglilingkod dito. Kahit anong mangyari, manana-tili siyang loyal dito.

 

ISANG umaga, tinawag si Zac ng mabait na janitor. Naglalakad sa lobby si Zac at paalis na para magdeliber ng mga papeles.

“Zac, nakita ko sa basu-rahan ang mga duplicate na kopya ng papeles. Itinapon dun ng walanghiyang bisor.’’

“Hayaan mo na Manong. Huwag na lang nating pansinin.’’

“Kailan kaya maka-karma ang hayop na bisor?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with