VP Sara, Mans Carpio hindi ihaharap ng defense team
MANILA, Philippines — Hindi umano mangyayari ang inaabangan ng publiko na haharap sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte at mister nitong si Atty. Manases Carpio dahil wala ang pangalan ng mga ito sa listahan ng witness na ihaharap ng defense sa Huwebes at Biyernes kaugnay ng paglobo sa hindi maipaliwanag na kayamanan na nasa P 817.87 milyon.
Ito ang lumalabas sa manifestation with request of subpoena ad testificandum and decus tecum na isinumite ng mga abogado ng pangalawang pangulo sa Impeachment Court noong Sabado.
Sa listahan na nakuhang kopya ng prosecution team sa nasabing mga petsa ay apat muna ang ipinasa-subpoena ng defense team na kinabibilangan nina Atty. Reiner dela Fuente ng AML Consulting Philippines na tatayo sa witness stand para sa pamantayan ng legal na konsepto sa mga transaksyon na “red flag” sa Anti-Money Laundering Act (AMLC).
Tatlo naman ang tetestigo sa Cale88 Food Corporations, ang kumpanya ng banana chips na may dalawang empleyado na iniulat na pag-aari ni Carpio na kinabibilangan nina Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Industry Development and Investment Promotion Group Dr. Ceferino Rodolfo; Pilar Marilyn Pagayunan, Director IV Food Regulation and Research ng Food and Drug Administration (FDA) at Rowena Mendoza ng Center for International Exposition and Mission (CITEM).
- Latest

















