Kira, parang sinaniban ni Julie Vega!
Nagpahayag ng pasasalamat ang Kapamilya actress na si Kira Balinger sa pagkakataong gampanan ang yumaong aktres na si Julie Vega sa Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Pinuri ng mga manonood na kahawig niya ang late ‘80s teen actress.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kira ang behind-the-scenes mula sa Gabi ng Lagim segment kung saan muli niyang binuhay ang mga eksena mula sa horror film ni Julie. “When this opportunity first came my way, I was absolutely over the moon! For the longest time, people have told me that I bear a resemblance to the late Julie Vega. To be compared to someone fondly remembered as the ‘Princess of Soap Operas’ is already such an honor in itself,” sulat niya.
Dagdag pa niya, “I honestly can’t put into words how grateful I am to have been given the opportunity to portray a part of her life. It’s an experience I’ll hold close to my heart.”
Pinasalamatan din niya ang KMJS at ang mga nanood: “Maraming salamat po, KMJS, for giving me this wonderful opportunity! And to everyone who watched, appreciated, and shared kind words about my portrayal, maraming salamat po!”
Agad na napansin ng viewers ang pagganap ni Kira kay Julie, lalo na sa reenactment ng eksena mula sa huling pelikula nito, ang Lovingly Yours, Helen: The Movie (1984) na matagal nang pinag-uusapan dahil sa umano’y kababalaghan sa set.
Pumanaw si Julie noong 1985 sa edad na 16.
Sa ngayon, kabilang sa mga bida si Kira sa Kapamilya series na The Loyalty Game kasama sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Sofia Andres, Charlie Dizon at Carmina Villarroel.
PBB housemates,ginagamit sa AI content
Mariing kinondena ng Star Magic nitong Huwebes ang anila’y “online bullying, harassment and personal attacks” laban sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Collab 3.0.
Sa pahayag, partikular na tinukoy ng talent management arm ng ABS-CBN sina Cianne Dominguez at Shea Valerio bilang mga target ng pang-aatake, pero nilinaw rin na kinokondena rin nila ang kaparehong pananakit laban sa iba pang housemates. “While public opinions and criticisms are part of reality television, they should never be an excuse for hate or cruelty,” ayon sa Star Magic.
Hinikayat din nito ang viewers na maging responsable sa social media at harapin ang pagkakaiba ng opinyon nang may respeto at malasakit.
Inilabas ang pahayag matapos magbabala ang programa laban sa paggawa ng artificial intelligence o AI-generated content gamit ang imahe, boses, o mukha ng mga housemate.
Nagbabala rin ito laban sa content piracy at sinabing ire-report ang mga sangkot “to the appropriate platforms for action.”
Nagsimula noong Oct. 24, tampok sa Pinoy Big Brother: Collab 3.0 ang 16 housemates, kabilang ang mga celebrity at internet personalities, na kumakatawan sa ABS-CBN at GMA.
- Latest






















