Drug syndicates pinadedeklarang terorista

MANILA, Philippines — Naghain si Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ng panukalang batas na naglalayong ideklarang teroristang organisasyon ang mga transnational drug syndicate upang palakasin ang kampanya laban sa malakihang pagpupuslit ng ilegal na droga.
Sa ilalim ng House Bill No. 11751 o Anti-Terrorism Act of 2026, magtatakda ng mga pamantayan at legal na proseso sa pagtatalaga sa mga drug syndicate bilang teroristang organisasyon. Aamyendahan din nito ang Anti-Terrorism Act of 2020 at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Santos, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, banta sa bansa ang mga sindikatong nagpapatakbo ng illegal drugs sa iba’t ibang bansa. Kabilang sa panukala ang pagpaparusa sa mga lider at financier, pagkumpiska sa mga ari-ariang may kaugnayan sa ilegal na droga at pagpapalawak ng kooperasyong internasyonal sa imbestigasyon.
Kabilang sa mga grupong binanggit ni Santos na umano’y may presensiya sa Pilipinas ang Sam Gor, mga network mula China at West Africa, at mga kartel sa Mexico gaya ng Sinaloa Cartel. Layunin ng panukala na mapalakas ang pagtugis at pagpapanagot sa mga grupong sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.
- Latest
















