Laguna Governor ireklamo uli ng graft sa Ombudsman

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang reklamong graft ang isinampa pa sa Office of the Ombudsman laban kay Laguna Governor Sol Aragones kasama ang apat na iba pa kabilang ang Provincial Health Officer dahil sa umano’y operasyon ng chemotherapy center na walang lisensya para mag-opera sa provincial hospital noong Martes.
Ang mga nagrereklamo ay sina Jonel Osio, isang natanggal na empleyado ng Laguna Medical Center; Calamba City Councilor Christian Niño Lajara, at Laguna board members Karla Adajar-Lajara at Lorenzo ‘Boy’ Zuñiga.
Bukod kay Aragones, kasama sa mga respondents sina Provincial Health Officer Dr. Jose Inoncilio, Laguna Medical Center Chief, Dr. Leticia Alcala, clinic manager, nangangalan Salve at Dr. John Paul Aclan Paul, Chairman ng We Hope Medical Group at iba pang.
Ang reklamo ay naglalayong kwestyunin ang operasyon ng Sta. Cruz Chemotherapy Center sa gitna ng mga alegasyon na wala itong lisensya para makapag-opera.
Ayon sa mga complainant na isang “cease and desist order” laban sa chemotherapy center ang nilagdaan ni Engr. Annette Tan ng Department of Health noong Sept.7, 2026, gayunpaman, ang center ay patuloy sa operasyon.
Nanatili naman si Aragones sa kanyang paninindigan at mariing kinondena ang sunud-sunod na reklamo sa kanya na anila’y black propaganda at may bahid ng pulitika.
“Ginawa nila akong project — araw-araw naghahanap sila ng mali, kahit gawa-gawa lang, para siraan lang ako,” ani Aragones.
Sinabi niya na hindi ito ang unang pagkakataon na ang parehong grupo ay pekeng mga paratang.
Sa naunang reklamo, idinawit ang PARC Review Center kaugnay ng scholarship at review assistance program ng Pamahalaang Panlalawigan.
- Latest


















