^

Metro

12 opisyal ng construction firm pinakakasuhan sa flood control

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kaso ang 12 opisyal at kontraktor ng Genesis88 construction company dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng P7 bilyong halaga ng mga proyekto sa flood control sa Davao City.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nakatakdang isumite ng ahensiya sa Department of Justice (DOJ) nitong Martes, Oktubre 13, ang rekomendasyon upang masuri ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot.

Batay sa mga rekord ng Commission on Audit (COA), nakakuha ang Genesis88 ng mga kontrata sa flood control na nagkakahalaga ng P7 bilyon mula 2018 hanggang 2024 sa unang distrito ng Davao City, na kinakatawan ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Una nang nakitaan ng NBI ng mga kahina-hinalang detalye o “red flags” ang 47 flood control projects sa nasabing distrito, na kalaunan ay nadagdagan at umabot sa 51 proyekto.

Samantala, nagsumite si Duterte ng affidavit sa NBI at kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng ahensiya sa pag-iimbestiga. Iginiit naman ni Matibag na may mandato ang NBI na imbestigahan ang mga kasong saklaw ng mga department order na inilabas para rito, kabilang ang mga usapin sa flood control projects.

FLOOD CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with