^

Bansa

Meralco inutusang i-refund P2.64 bilyon sa mga customer

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco inutusang i-refund P2.64 bilyon sa mga customer
Ayon sa ERC, katumbas ito ng average refund na P0.1020 kada kilowatt-hour (kWh) na ipatutupad sa loob ng anim na buwan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na isauli sa mga customer nito ang kabuuang P2.64 bilyon matapos matukoy na lumampas ang nakolekta nitong distribution charges para sa Enero hanggang Hunyo 2026.

Ayon sa ERC, katumbas ito ng average refund na P0.1020 kada kilowatt-hour (kWh) na ipatutupad sa loob ng anim na buwan. Mas maikli ito kaysa sa 12-buwang refund period na unang iminungkahi ng Meralco.

Sinabi ng komisyon na matapos ang pagsusuri sa aktuwal na kita at benta ng kuryente ng Meralco, lumabas na nakakolekta ito ng mas mataas kaysa sa aprubadong distribution rate. Matapos ang mga kinakailangang adjustment, umabot sa P2.64 bilyon ang dapat ibalik sa consumers.

Lalabas ang refund bilang hiwalay na item sa buwanang bill na may label na “AWAT (Refund)/Collect.”

Ayon kay ERC Chairperson at CEO Atty. Francis Saturnino Juan, layunin ng hakbang na mabigyan ng mas mabilis na ginhawa ang mga konsumer sa gitna ng nananatiling mataas na presyo ng kuryente.

Gayunman, nilinaw ng ERC na pansamantala pa ang refund amount at maaari pang mabago depende sa resulta ng mga pagdinig at pinal na ebalwasyon ng komisyon. Patuloy rin nitong imo-monitor ang implementasyon ng refund hanggang sa maibalik nang buo ang halaga sa mga customer.

MERALCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with