^

Bansa

Prosekusyon inatras na planong gawing hostile witness si VP Sara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na isusulong ng House prosecution panel na iharap si Vice President Sara Duterte bilang hostile witness sa kanyang impeachment trial matapos maniwala na wala rin itong magiging bagong maibibigay na impormasyon sa pagdinig.

Ayon kay private prosecutor Lorna Kapunan, batay sa naging testimonya ng mga naunang hostile witness mula sa Office of the Vice President (OVP), malamang na itatanggi rin lamang ni Duterte ang kaalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

“From everything we have heard from the defense, she is just going to say, ‘Hindi ko alam.’ That is all she is going to say on the witness stand,” ani Kapunan.

Sinabi rin niya na hindi aniya mapaliliwanagan ng Bise Presidente ang mga senator-judges at ang publiko tungkol sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng pondo, umano’y hindi maipaliwanag na yaman at mga alegasyon laban sa kanya.

Gayunman, inamin ni Kapunan na makabubuti sana sa prosekusyon kung uupo si Duterte sa witness stand dahil makikita umano ng publiko ang kanyang asal at disposisyon, ngunit naniniwala siyang masasayang lamang ang oras kung inaasahan na ang magiging sagot nito.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with