VP Sara, nanguna sa 2028 presidential survey
Bong Go sa pagka-VP
MANILA, Philippines — Nanguna si Vice President Sara Duterte sa isang hypothetical survey para sa halalan sa pagkapangulo sa 2028 matapos makakuha ng suporta mula sa kalahati ng mga adult Pinoys.
Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 17-24, tinanong ang mga ito kung sino ang kanilang iboboto kung gaganapin ang presidential election sa panahon ng survey.
Nakakuha si Duterte ng 50%, sumunod si Naga City Mayor Leni Robredo 26% at Sen. Raffy Tulfo 12 porsyento.
Sumunod si Sen. Risa Hontiveros 3% at tig-1 porsyento sina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at DPWH Se. Vince Dizon, habang 0.3 porsyento si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Pinakamataas ang suportang nakuha ni Duterte sa Mindanao 92%, Visayas 56%, National Capital Region (NCR) 40%, at iba pang bahagi ng Luzon na 28%.
Sa three-way contest nina Duterte, Robredo, at Tulfo, nakakuha ang bise presidente ng 52% voter preference, kumpara sa 30% ni Robredo at 14% ni Tulfo.
Para naman sa pagka-bise presidente, nanguna si Sen. Bong Go na may 31 porsyento, sinundan nina Sen. Robin Padilla 19% at Bam Aquino 17%.
Sa senatorial race, nanguna ang dating senador na si Grace Poe, kasunod si Sen. Alan Peter Cayetano, Robin Padilla at Raffy Tulfo.
Pasok din sa Top 7 sina Davao City Mayor Sebastian Duterte, dating Sen. Manny Pacquiao, at Sen. Loren Legarda.
- Latest






















