^

Bansa

P300 milyong Nuclear Medicine Projects ng JRMMC, pinaiimbestigahan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ang isang malaya at masusing imbestigasyon sa procurement ng PET/CT System at Cyclotron Facility ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) upang matiyak ang transparency, patas na bidding, at wastong paggamit ng pondo ng gobyerno.

Ayon sa isang ulat, kabilang sa mga nais siyasatin ang mga rekord ng Bids and Awards Committee (BAC), technical evaluation reports, bid documents, post-qualification reports, at Notice of Award para sa mga proyektong inilunsad noong Abril 2025 sa ilalim ng ITB No. 2025-PET-105 at PIN No. 2025-PET-077.

Tinatayang nasa P300 milyon ang halaga ng cyclotron facility, bagama’t hinihintay pa ang beripikasyon ng eksaktong hala­ga mula sa mga opisyal na dokumento.

Kasama rin sa mga isyung nais linawin ang pagiging patas ng mga teknikal na espesipikas­yon, pagsunod sa procurement rules, at isang alegasyon ng posibleng conflict of interest na may kaugnayan umano sa procurement process.

Iminungkahi rin ang special audit ng Commission on Audit (COA), fact-finding investigation ng Department of Health (DOH), at pagsusuri ng Office of the Ombudsman kung may sapat na ebidensiya ng posibleng paglabag sa batas.

Gayunman, nilinaw sa ulat na wala pang pinal na konklusyon o ebidensiyang nagpapatunay ng katiwalian, kaya nananatiling beripikasyon at patas na pagsusuri ang kinakailangan sa lahat ng alegasyon.

MEDICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with