^

Bansa

100K libreng pandesal, ipamamahagi sa World Pandesal Day sa Oktubre 16

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mamamahagi ang Kamuning Bakery Café ng 100,000 libreng pandesal sa Oktubre 16 bilang pagdiriwang ng ika-11 World Pandesal Day, kasabay ng World Food Day, upang itaguyod ang seguridad sa pagkain, makatulong sa mga nangangailangan at suportahan ang edukasyon.

Nagpahayag ng suporta si First Lady Liza Ara­neta-Marcos, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pandesal bilang simbolo ng pagkakaisa, malasakit at pagbabahaginan ng mga Pilipino.

Bukod sa food drive, patuloy ring tumutulong ang Kamuning Bakery sa edukasyon sa pakikipagtulu­ngan sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII). Tatlong gusali ng pampublikong paaralan na ang naipagkaloob sa Pangasinan, Tarlac at Eastern Samar, habang 14 pang school buildings ang ipatatayo sa iba’t ibang lalawigan sa loob ng susunod na tatlong taon.

Itinatag ni Wilson Lee Flores ang World Pandesal Day noong 2015 upang itaguyod ang pagtutulungan laban sa gutom at kahirapan habang ipinagdiriwang ang pandesal bilang pambansang tinapay ng mga Pilipino.

“Maaaring simple lamang ang pandesal, pero natatangi ang puwesto nito sa bawat tahanang Pilipino. Pinagbubuklod nito ang mga pamilya at nagbibigay ng sustansiya sa marami. Nais kong pasalamatan kayo sa paggamit ng pandesal upang ipaalala sa atin ang kahalagahan ng pagbabahagi at pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Patuloy sana nating alagaan ang isa’t isa at magtulungan upang matiyak na walang Pilipinong magugutom. Isang espesyal na pagbati kay Wilson Lee Flores, na araw-araw kumakain ng pandesal. Miss na kita, Wilson. Binabati kita sa ika-11 taon ng inyong ‘World Pandesal Day.’ Marami pong salamat at mabuhay kayong lahat,” mensahe ni FL Liza.

FOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with