Hunk actor, mas pinili ang accla para hayahay agad
SPOTTED daw sa isang casino ang isang hunk actor na alaga ng isang mayamang negosyante.
Medyo nakikilala na ang hunk actor na ito na nabalita ring pumapatol sa mga accla!
Pero tipong inasawa na siya ng isang accla kaya hindi na masyadong visible sa showbiz! Tutal naman, sunod ang luho niya mula sa accla kahit wala siyang masyadong trabaho!
Eh nagagawa nga naman niya ang kanyang bisyo at sustentado pa, bakit kailangan pa niyang kumayod sa showbiz? Doon na siya sa hihilata na lang!
Marjo, malakas pa rin ang dating
MALAKAS pa rin ang chemistry na hatid ng ‘90s iconic loveteam nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Tinitilian at pinapalakpalan ang bawat eksena nilang aso’t pusa sa sitcom nilang Mommy Guard ng TV5.
Nanumbalik talaga ang ‘90s feel dahil sa kasikatang hatid ng Marvin at Jolina loveteam!
Nakausap ng ilang press si Marvin bago ang mediacon ng sitcom.
“Masaya! Masaya! Iba talaga nung ginawa namin ang Ex Ex Lovers. Ito, comedy siya! Masaya!” sambit ni Marvin.
Lagi raw nilang napag-uusapan ni Jolina ang project. Mahaba-haba raw ang pagsasama nila ng dating ka-loveteam.
“Buti na lang, maganda ang kinalabasan ng ginawa namin. Para kasing kaya pa ba namin? Eh maayos naman ‘yung nagawa namin at nagustuhan ng nanood na fans kahit mga lolo at lola na! Hahaha!” pahayag pa ni Marvin.
Maraming mga kasamang kabataang artista mula sa TV5 ang mapapanood sa Mommy Guard na sa Oct. 19 na ang airing mula sa direksyon ni Roman Perez.
Manny, niregaluhan ng fake Rolex si Long Mejia
NAKAKATAWA si Long Mejia sa totoo lang. Poker face siya kung magbitiw ng punchlines sa TV o pelikula pero matatawa talaga ang manonood sa kanya!
Kaya naman sumikat si Long sa larangan ng komedya pero nalunod din siya sa tagumpay na natamo!
Naging bukas si Long kay Charo Cordial ng Maddox Jewelry nang makausap sila. Inamin ng komedyante na lahat ng naipon niya eh napunta sa babae!
Naging mayabang at laging late dumating sa shooting at sa noontime show na nasalihan niya. Kaya payo niya sa mga kabataang artista, “Lagi ninyong mamahalin ang inyong trabaho!”
Laki sa hirap si Long. Bago naging artista, nagtitinda siya ng T-shirt sa kalsada. Dahil sa matinding gutom, naranasan niyang kumain galing sa pagpag at nagtinda ng prutas sa Divisoria nang maagang pumanaw ang ama.
At nung panahong bumagsak ang career, ang Comedy King na si Dolphy ang isa sa tumulong nang humingi siya ng pambayad sa tuition. Malaking halaga ang ibinigay sa kanya nung panahong ‘yon.
At ang isa pang tumulong sa kanya eh si Manny Pacquiao. Binigyan siya noon ng relong Rolex at nang pinatingin niya eh sinabing peke! Ibinalik niya kay Pacquiao ang pekeng Rolex pero pinalitan ng totoong Rolex!
Sa likod ng pagpapatawa, malinaw ang kuwento ni Long – mula sa hirap, nakatikim ng tagumpay, nagkamali, nawalan at natutong pahalagahang muli ang trabaho at taong tumulong sa kanya.
Simple lang ang leksiyon kay Long, huwag hayaang malunod sa tagumpay at huwag kalimutang mahalin ang trabahong nagbigay sa kanila ng pagkakataon.
- Latest

























