Mr. Global Philippines rep, pasok sa top 3!; Pinay sa Miss Grand, nganga!

Dalawang international pageants ang tinutukan ng Pinoy pageant fans via social media noong Oct. 10 sa Thailand — ang Mister Global 2026 sa MCC Hall sa Nonthaburi at Miss Grand International 2026 sa MGI Hall sa Bangkok.
Sa Mister Global, nakapasok sa Top 3 at nagtapos bilang 2nd runner-up ang pambato ng Pilipinas na si Myron Jude “MJ” Ordillano. Nagwagi si Dilhan Divrikli ng Turkiye, habang 1st runner-up si Bethel Mbamara ng Nigeria.
Sa final Q&A, tinanong si MJ kung “what quality makes a good man” at sinagot niya na ang tunay na good man ay marunong magmahal nang unconditional.
Nauna na ring ni-represent ni MJ ang Pilipinas sa Mister International 2022 kung saan siya ay 4th runner-up.
Samantala, hanggang Top 25 lang ang narating ni Angelica Lopez sa Miss Grand International 2026. Naiuwi ni Miss Tanzania Jihan Dimack ang korona, at runners-up niya sina Miss Ecuador Shyare Andrade, Miss Netherlands Beau Megan Goos, Miss Guatemala Ximena Carrillo at Miss Vietnam Emoura Pham.
Gumawa ng ingay si Lopez matapos masungkit ang Best in National Costume award sa suot niyang bonggang “Ang Mangkukulam” ensemble na dinisenyo ni Patrick Isorena.
Kontesera na si Lopez matapos sumali sa Miss International 2024, Miss Asia Global 2022 at Miss Universe Philippines 2022.
Wendell, may pinagdaanan sa pamilya
Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na Kamao, mas mabibigyan na ni Wendell Ramos ng quality time ang kanyang pamilya.
Inamin ng aktor na dumaan sila sa “ups and downs” ng asawang si Kukai Guevara, lalo na’t may mga panahong wala siya sa tabi nito. “Marami rin ‘yung mga panahon na wala ako sa tabi niya, so siguro ‘yung priorities. ‘Yun lang ‘yung parang pinakaituturo ko sa mga anak ko; you know what’s your priority, your commitment, your responsibilities, kailangan, kasi andu’n ‘yung love,” sabi ni Wendell.
Tulad ng pagmamahal niya sa asawa, sinisiguro rin niyang priority ang mga anak na sina Dedell, Saviour, Tanya at ang bunsong si Maddie. “I keep on texting them. Si Saviour lang ang hindi kasi hindi na siya bata. Pero we’re all good, nakita ko nga siya sa Bench, eh. Hindi siya ‘yung palatawag, palakamusta, but we’re good, we’re good, okay naman siya,” dagdag pa niya.
Harry, nalagpasan ang anxiety dahil sa ex
Naikuwento ni Harry Styles kung paano siya natulungan ng dating girlfriend na malampasan ang anxiety sa paglabas sa publiko noong kasagsagan ng One Direction.
Ayon sa singer, nahirapan siyang lumabas noon dahil sa sobrang kasikatan ng grupo. “So much of the hotel experience felt very locked-in. When I’d be home, it felt like, ‘Oh, it’s not safe for me to be out,’” kwento niya sa Rolling Stone.
Nagbago ito nang magkaroon siya ng girlfriend na outgoing. “She was coming to London and I was like, ‘Oh, if we just sit in my house for three days, she’s gonna think I’m nuts.’ It was this realization for me: ‘Oh, it’s fine to be outside.’ It kind of broke that thing,” sey ni Harry.
Dahil dito, nag-iba ang pananaw niya sa paglabas. “Now, it’s changed my life in such a big way, because it’s how you stay connected to the world.”
Hindi binanggit ni Harry kung sino ang ex-girlfriend na tinutukoy. Last March, inilabas niya ang kanyang fourth studio album na Kiss All the Time. Disco, Occasionally.
- Latest
























