Social media star Baus, naka-bonding ang american comedian

Nag-share sa social media ang internet personality na si Baus Rufo ng pagkikita nila ng kanyang idol, ang actor-comedian na si Bowen Yang.
Sa kanilang maikling chikahan, ipinahayag ni Baus ang kanyang pasasalamat at paghanga kay Bowen, na naging inspirasyon niya sa kanyang sariling career sa Pilipinas.
Sinigurado rin ni Baus na makakuha ng shoutout mula kay Bowen para sa podcast nila ni Macoy Dubs na Dogshow Divas.
Samantala, na-enjoy rin ni Baus ang panonood sa comedy play ni Bowen na Oh, Mary! on Broadway. “Met one of my heroes today,” caption ng host ng Kalurks.
Si Bowen ay comedian, actor at host na kilala sa Saturday Night Live at sa mga pelikulang Wicked, Wicked: For Good, The Wedding Banquet at Fire Island.
Ryza, nabiktima ng power tripping
Nagbalik-GMA para sa isang proyekto ang aktres na si Ryza Cenon.
Kabilang siya sa upcoming action-serye na Hari Ng Tondo na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Dennis Trillo.
Sampung taon na ang nakalipas nang lumipat si Ryza sa ABS-CBN. Huli niyang teleserye sa GMA ang Ika-6 Na Utos noong 2016, at ngayon ay nasa TV5 na siya. “As long as there’s work, right? First time ko makakatrabaho si Ruru and si Kuya Dennis naman, nakatrabaho ko na before sa teleserye na Majika. Bata pa ako noon. ‘Tsaka gusto ko rin ang story ng Hari Ng Tondo and isa talaga sa mga favorite kong gawin ang action,” sabi ni Ryza na itinanghal na Ultimate Female Survivor sa StarStruck Season 2 noong 2004.
Sa muling pagiging aktibo sa pag-arte, ibinahagi rin ni Ryza ang kanyang mga naranasan sa showbiz, kabilang ang pagiging biktima ng “power tripping” ng mas malalaking artista.
Ayon sa kanya, umaabot pa raw ito sa mga eksena sa teleserye at idinadaan na lang niya sa pananahimik.
Hollywood veteran actress, pumanaw na
Pumanaw na si Eva Marie Saint, one of the last surviving screen goddesses from Hollywood’s Golden Era. She was 102.
Pumanaw ang batikang aktres due to natural causes sa tahanan nito sa Los Angeles.
Unang pelikula pa lang ni Saint ang On the Waterfront in 1954 ay nagwagi na siya agad ng Oscar for Best Supporting Actress.
Napili ni Alfred Hitchcock si Saint para sa thriller na North by Northwest in 1959 opposite Cary Grant. Ang sinuot na red dress ni Saint sa pelikula ay naging isa sa iconic dresses in American film history.
Born in New Jersey, hinubog si Saint sa Actors Studio ni Lee Strasberg at nakatrabaho ang malalaking direktor at actors tulad nina Paul Newman, Warren Beatty, James Garner, Elizabeth Taylor at Richard Burton.
Sa mga huling taon ng kanyang career, bumalik si Saint sa TV at nanalo ng Emmy Award in 1990 para sa series na People Like Us. Patuloy pa rin siyang umarte hanggang sa edad na 80 sa mga pelikulang Superman Returns at Because of Winn-Dixie.
- Latest





















