Aktor/direk/produ, dedma sa mga paninira!
Nagtataka raw ang isang actor, director at producer sa galit na nararamdaman niya sa isang showbiz peep na feeling makapangyarihan sa showbiz!
Wala namang ginagawa sa kanya ang actor pero may naririnig siyang paninira sa kanya ng taong ito!
Dedma na lang ang aktor kung pansinin siya o hindi ng taong ito. Basta ginagawa ng aktor ang kanyang kayang gawin na hindi humihingi ng pabor sa taong ito na nag-feelingera komo associates niya ang industry heads!
Gelli, ‘di naapektuhan ni Dennis
Naging sentro tuloy ng kontrobersiya si Gelli de Belen kaugnay ng Patrick Garcia-Dennis Trillo issue nang matanong ito sa guesting niya sa isang talk show kaugnay ng pelikulang Mantsa na isa siya sa lead stars.
Naku, si Gelli ang taong ayaw ng mga isyu sa katawan! Napagdaanan na niya ang mga issue at talaga namang non-stop ang kasiraang natanggap niya!
Pero si Gelli pa rin ang nagwagi at namumuhay na nang tahimik kasama ang asawa’t mga anak!
Eh ni hindi nga binabayaran si Gelli sa pag-promote ng Mantsa dahil isa ang kaibigan niyang si Bambbi Fuentes sa producers!
Kung may nasabi man si Gelli, dahil isa rin siyang ina at alam ang damdamin ng anak na nasasaktan!
Panoorin na nga ninyo ang Mantsa na showing na ngayon!
- Latest




















