^

Metro

PNP idinepensa ang pagbuwag ng rally sa Mendiola

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Idinepensa nitong Lunes ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuwag sa grupo ng mga raliyista  na nauwi sa pisikal na komprontasyon sa pagitan ng mga demonstrador at ng pulisya na ikinasugat ng 16 guro at estudyante  sa labas ng palasyo ng Malacañang sa Mendiola sa lungsod ng Maynila noong Linggo, Oktubre 4.

Ang grupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay naglunsad ng kilos protesta na kina­lampag ang palasyo para sa P50,000 entry-level salary para sa mga guro; P5,000.

Ayon kay Nartatez, iginagalang ng PNP ang karapatan ng naturang grupo ng mga guro sa pagsasagawa ng demonstrasyon pero dapat din aniyang irespeto ang batas at sumunod sa regulasyon.

Sa panig ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kinondena nito ang insidente dahilan hindi umano iginalang ng kapulisan ang karapatan ng mga guro sa panawagan ng mas mataas na sahod at benepisyo matapos na buwagin ang rally sa bisperas pa naman anya ng paggunita sa World Teachers’ Day.

Sa insidente ay nasugatan at 16 guro at mga estudyanteng nakilahok sa kilos protesta habang sinira rin umano ng mga pulis ang ilang personal na kagamitan ng mga nagdadaos ng demonstrasyon at kinumpiska ang dalawang megaphones na gamit ng mga ito na winasak ng mga pulis.

PNP idinepensa ang pagbuwag ng rally sa Mendiola

Joy Cantos Ludy Bermudo

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with