‘80s comedian Zorayda Sanchez, may doktor na anak!

Naging doktor ang nag-iisang anak ng ‘80s comedian Zorayda Sanchez na si Alexis Sanchez.
Sa guesting ni Dr. Alexis Sanchez sa Kay Susan Tayo! Vlogs, kinuwento nito ang mga karanasan niya kasama ang ina na laging tinatawag noon na “pangit.”
“Kasi during that time, ‘90s, early 2000, uso eh. ‘Yung parang when you are not traditionally beautiful, meron talaga ikaw maririnig.
“Kapag sumasakay siya ng jeep, kasama na ako roon. Kapag pumipila kami sa mga terminal, meron ka mga maririnig na comments, na ‘Totoo palang pangit or totoo palang…’ Yeah, something like that. She would hear those and no reaction talaga.”
Inamin ni Alexis na noong bata siya, nasasaktan siya kapag naririnig na nilalait ang kanyang ina.
“When I was growing up siguro, nu’ng younger pa ako, I would feel a little discomfort. Kasi normal naman eh sa bata. Kung nag-iisang magulang mo, marinig mo na kinukutya.”
Hindi nga raw nakilala ni Alexis ang biological father niya na si Dax Rivera na isang stuntman.
“Maybe that’s the most hurtful siguro kasi I never really knew the man. I think in some write-ups nabasa ko rin, they’re comparing their looks from rumors na how can Zorayda Sanchez end up with this man. Masakit sa akin, for my mom, because ayoko naman i-compare siya to my other parent who is not physically present during my time growing up.”
Proud naman si Alexis sa kabutihang-loob ng kanyang ina sa likod ng camera.
“Ang sinasabi nila lagi sa akin is, ‘Mommy mo napaka-simple, Mommy mo napakabait, napaka-maka-Diyos.’ So, I hear positive remarks po growing up.
“Wala po akong narinig na sinabing nagsuplada or nagmaldita si Zorayda sa kanila. All of those people who supported her since the beginning talaga sa showbiz would say na she’s very kind.”
Nagtapos na cum laude si Zorayda sa UST kung saan nagtapos ito sa kursong journalism. Nagtrabaho siya agad bilang scriptwriter sa mga radio drama ng DZRH.
Naging writer at cast member siya sa gag show na Goin’ Bananas in 1985.
Suki si Zorayda sa Regal at Viva Films at ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay Broken Marriage, Bagets, Working Girls, Anak ni Janice, Stupid Cupid, Tiyanak, Maria Went To Town, Alabang Girls at Humanap Ka Ng Pangit.
Pumanaw si Zorayda noong August 2008 dahil sa breast cancer.
Bida sa Filipiñana, kailangan ng pinansyal para sa cancer
Kasalukuyang may health crisis ang indie film at theater actress na si Jorrybell Agoto.
Si Jorrybell ang bida sa pelikulang Filipiñana na entry ng Pilipinas sa Best International Feature Film sa 99th Academy Awards.
Sa social media, humihingi ng tulong pinansyal ang mga mahal sa buhay at kaibigan ni Jorrybell para sa kanyang gastusing medikal habang nakikipaglaban ito sa lymphoma, isang uri ng cancer.
Ibinahagi ng netizen na si Kamil Lipnica sa isang social media post na pinamagatang “Let’s help Jorrybell fight cancer” ang detalye tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng aktres at ang fundraising campaign para rito.
“Our beloved Jorrybell is currently admitted to the Critical Care Unit of St. Luke’s Hospital, bravely fighting through a difficult chapter in her battle against cancer. At present, her lungs are filling with fluid in the pleural area, making it difficult for her to breathe.”
Bukod sa Filipiñana, lumabas din si Jorrybell sa mga pelikulang Tether, P77, Haplos sa Hangin, Sisa, Bar Boys: After School at Silenced Nights.
Taylor, may patikim sa patient...
Inaabangan ng Swifties ang bagong single ni Taylor Swift na Patient Zero na kasama sa deluxe expansion ng kanyang album na The Life of a Showgirl: The Encore.
Sa 13-second sneak peek ng music video sa CBS Mornings, makikita ang mga eksena ni Taylor at nina Dakota Johnson at Colin Farrell.
Ito ang unang musical release ni Taylor matapos ang high-profile wedding nila ni Travis Kelce.
Samantala, ang music video ay nakatakdang magkaroon ng global premiere sa 2026 MTV Video Music Awards sa Sept. 27, kung saan tatanggap si Taylor ng Artist-Director Honors.
- Latest




















