Lalaking may stage 4 nasal cancer himalang gumaling! (part 2)
SI David Baker ay natuklasang may stage-four nasal cavity melanoma noong 2020. Ayon sa asawa ni David na si Jerilyn, nagsimula ang lahat sa tuluy-tuloy na pagdurugo ng ilong ng asawa. Nang dalhin nila ito sa doktor at isailalim sa operasyon—inalis ang polyp sa nasal cavity, lalong lumala ang kalagayan ng asawa.
Nang mamaga raw ang mukha ni David, akala niya ay simpleng infection lamang ito. Agad isinailalim sa CT scan si David at na-shocked sila sa resulta. Mayroong stage-four nasal cavity melanoma si David—isang agresibong uri ng cancer.
Ayon pa kay Jerilyn, sabi ng mga doktor, hindi umano tinatablan ng chemo ang ganitong uri ng cancer.
Sabi ng bayaw ni David na si Chuck Denny, “I’d never seen anybody healed of cancer. Every time I heard the word cancer, it was a death sentence. And I fell like unless God moved, I fell like David would you know, he wasn’t gonna make it.”
Subalit sinabi ni Jerilyn at ng kanyang pamilya na gagaling si David sa awa at tulong ng Diyos.
Nanawagan siya sa mga tao na ipagdasal ang kanyang asawa.
Hanggang isang himala ang maganap. (Itutuloy)
- Latest















