^

Police Metro

Pangulo, VP bawal sa negosyo – Ex-Sandiganbayan Chief

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal sa Pangulo at Bise Presidente ang pakikilahok sa negosyo dahil mas malaki ang posibilidad ng pag-abuso sa kapangyarihan dahil sa kanilang posisyon.

Ito ang ipinaliwanag ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa ika-24 na araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos itong iprisinta ng prosekusyon sa Senate impeachment court para magbigay ng legal na pamantayan sa pagsusuri sa ‘unexplained wealth’ o hindi maipaliwanag na kayamanan laban kay Duterte.

Tinukoy ni Cabotaje-Tang ang Section 13, Article VII ng 1987 Constitution na nagbabawal o nagpapataw ng restriksiyon sa Pangulo, Vice President, mga miyembro ng gabinete, at mga deputado o mga assistants sa panahon ng pag-upo ng mga ito sa puwesto.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang ­direkta at hindi direktang pagpapartisipa sa negos­yo, magpraktis ng ibang profession at pinansyal na interes sa kontrata sa gob­yerno, franchise, at mga espesyal na prebilihiyo.

Binigyang diin ni Cabotaje-Tang na mas mahigpit ang restriksiyon ng batas sa Presidente at Bise Presidente dahilan mas malaki ang kapangyarihang hawak ng mga ito.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with