Marcoleta pinayagang magpagamot ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division ang request ni Senador Rodante Marcoleta na mapagbigyan ang kanyang medical furlough.
Ayon kay Sandiganbayan Third Division chairperson Karl Miranda, isang araw ang ibinigay kay Marcoleta na makapagpagamot dahil sa sakit na Prostate enlargement, Hypertension at Dyslipidemia.
Si Marcoleta ay nakakulong sa QC Jail Male Dormitory sa QC dahil sa P75 milyong kasong plunder. Ang medical furlough ni Marcoleta ay tinakda September 7 para sa kanyang medical exam sa Medical City s Pasig City.
Una nang nireklamo ng prosekusyon ang request na medical furlough ni Marcoleta dahil ito ay batay sa diagnosis ng sarili nitong doktor at hindi bagong doktor mula sa kulungan.
Kahapon sinimulan din ang pagdinig sa motion for bail ni Marcoleta sa kabila na ang kaso nito ay plunder na isang non-bailable offense.
- Latest
















