^

Police Metro

Magkaibigang runner, sugatan sa salpok ng motor sa fun run

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang kalahok sa fun run ang nasugatan nang pumasok ang isang rider sa nakaharang na plastic barrier sa  car-free Sunday sa Ayala Avenue, Makati City, umaga ng Linggo.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang magkaibigang sina alyas “Dominic”, 36, accountant; at alyas ­“Salmon” 34, office associate.

Nasugatan naman sa tuhod at bibig ang  17-anyos na rider na sinasabing lasing nang maganap ang insidente.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), pasado alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente  sa saradong kalsada.

Nabatid na galling ng EDSA ang rider nang pumasok sa Ayala Avenue patungo sa Paseo de Roxas na dahil sa bilis ng takbo ay sinalpok nito ang dalawang biktima sa sa harapan ng Ayala Tower One, sa Barangay Bel Air.

Kapwa humandusay sa kalye ang dalawang runner habang tumilapon ang rider na isinugod sa Makati Medical Center ng nakaantabay na ambulansya ng event.

Kinasuhan ng Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries at Damage to Property ang kakaharapin ng rider sa Makati City Prosecutor’s Office.

FUN RUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with