^

PSN Showbiz

Alex, natakam sa kare-kare ni Pauleen

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alex, natakam sa kare-kare ni Pauleen
Alex Gonzaga

Documented ang pagbubuntis at panganganak ni Alex Gonzaga at Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.

Ipinakita ni Alex sa kanyang vlog ang episode na My Pregnant Life, mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa paglabas ng kanilang baby.

Hindi rin madali ang pinagdaanan niya pero alam mong nag-enjoy si Alex na maraming beses nagkaroon ng miscarriage.

Tulad sa ibang buntis, bumuka ang kanyang cervix at nagkaroon siya ng gestational diabetes na iniyakan at ikinatakot nila.

Sa kanyang ika-7th month bumuka ang cervix niya kaya kinailangan niyang mag-bed rest. Kaya’t namahinga siya sa ginagawang live selling at vlogging.

Pero mabilis itong nagsara.

Naging maingat na rin siya sa pagkain kaya bumaba rin ang kanyang sugar.

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Grabe rin ang naging craving niya na minsan pa ay nagpaluto pa si Alex ng kare-kare kay Pauleen Luna na kapitbahay nila na super nag-craving daw talaga siya. Na nang kainin ni Alex ay sarap na sarap siya.

Minsan daw itong ipinatikim ni Pauleen.

Hanggang ipinakita nito ang paghahanda sa magiging baby room na ang dami talagang nagbigay ng mga kagamitan.

Natapos sa paglabas ng kanilang baby kung saan talagang kasama hanggang sa delivery room ang mister ni Alex na pulitiko na nakaalalay sa buong journey ng kanyang pagbubuntis hanggang makapanganak.

Samantala, ang binabantayan naman ngayon ng fans ay ang pagbubuntis ni Sarah Geronimo na ang hula ng mga fans ay baka nagpapa-check up pa si Sarah tulad sa ginawa ni Alex na siniguro munang stable ang kanyang pagdadalang-tao bago inilantad sa social media.

Maalalang napasigaw na ang fans ni Sarah  nang mag-upload si Matteo Guidicelli ng screen habang isinasagawa ang ultrasound.

Duda ng followers misleading ‘yung ginawa ni Matteo at gusto nilang sa vlog ito officially i-announce.

Marami nang kaibigan ni Matteo ang nagco-congratulate sa kanya.

Bukod sa wish na totoong buntis na si Sarah sa first baby nila, wish din ng kanilang followers na maging close na rin si Matteo sa mga magulang ni Sarah na si Mommy Divine at Daddy Delfin na nakitang kasama ni Sarah sa kanyang last birthday pero wala si Matteo.

Sabik ang Popsters (fans ni Sarah) sa mga ganap sa kanyang buhay may-asawa na malimit, si Matteo ang nagbibigay ng update.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with