Katherine, umaasang hindi na ulit maliligaw ng buhay

Walang hanggang pasasalamat ang nagbabalik-showbiz na si Katherine Luna sa longtime partners na sina Coco Martin at Julia Montes sa tulong ng mga ito na ipinagkaloob sa kanya.
Una, ang pagpapagamot sa kanyang mata at pangalawa sa pagbibigay ng trabaho sa kanya bilang bahagi ng top-rating action-drama primetime series na Sigabo na pinagbibidahan mismo ng magkarelasyon.
Common knowledge na sa showbiz na napariwa ang buhay noon ng indie aktres at kasama na rito ang kanyang paggamit ng droga na dahilan kung bakit siya nakulong sa loob ng apat ng taon.
Si Katherine ay may walong anak sa anim ng magkakaibang lalaki.
Sa kasalukuyan ay seryoso siya sa pagbabagong-buhay alang-alang sa kanyang mga anak.
Ang inakala niyang madilim na buhay ay may liwanag palang naghihintay para sa kanya.
Sa kabila ng ginawa ni Katherine kay Coco na ipinaako sa umpisa ang isang anak sana, awa at pang-unawa ang naramdaman ng actor-director at producer sa dati niyang karelasyon sa halip na mangibabaw ang galit at sama ng loob.
Ang inakala ni Coco at ng marami na siya ang ama ng panganay ni Katherine na si Nicole but it turned out na hindi pala at ito’y nakumpirma sa pamamagitan ng DNA test.
Umaasa si Katherine na magtutuluy-tuloy ang maayos nilang buhay ng kanyang mga anak sa kasalukuyan.
lasalista, pumirma rin sa viva
Ang 17-year-old, 6 ft. tall at estudyante ng La Salle Greenhills na si Jared Valenzuela ang pinakabagong karagdagan sa napakarami nang talents ng Viva Artists Agency.
Schoolmate at kaibigan ni Jared ang dating child star na si Alonzo Muhlach na isa ring estudyante sa La Salle-Greenhills. Ang pag-aaral ni Alonzo ang kanyang priority kaya tumigil siya (pansamantala) sa kanyang showbiz career.
Si Jared ay bunso sa limang magkakapatid at produkto rin siya ng isang hiwalay na parents.
Since he was a little boy ay pangarap na talaga ni Jared ang mag- showiz.
- Latest




















