Unang Asiad medal target ng Blu Girls
MANILA, Philippines — Ang pinakamahuhusay na Pinay softball players ang isasabak ng Philippine Blu Girls para sa darating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Kabilang dito ang mga naglaro sa nakaraang WBSC Women’s Softball World Cup Group Stage sa Peru, Lima.
Tampok sa naging fifth-place finish ng koponan sa nasabing world meet ang 5-4 pagsapaw sa World No. 3 Puerto Rico bukod sa dalawang beses na pagdaig sa host Peru.
Pamumunuan ni team captain Charlotte Sales ang Blu Girls kasama sina April Mae Minanga, Royvel Palma, Mylia Perez, Mea Tubongbanua, Reyae Villamin, Sydney Vitangcol, Glory Alonzo, Mary Joy Alpitche, Francesca Altomonte, Roma Jane Cruz, Alyssa Daniell, Skylynne Ellazar, Ma. Angelu Gabriel, Nicole Hammoude, Mary Jane Libaton at Ma. Victoria Magbanua.
Pakay ng tropa ang kauna-unahang women’s football medal ng bansa sa Asian Games.
Nakatakda ang Aichi-Nagoya Asiad sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Tumapos ang tropa sa ikaapat na puwesto sa nakaraang 2022 Asiad sa Hangzhou, China tampok ang 2-3 kabiguan sa Chinese Taipei sa agawan sa bronze medal.
Pumuwesto sila sa ikaanim sa kanilang unang paghataw sa Asiad noong 1998 sa Bangkok, Thailand at ang parehong pagtatapos sa 2002 Busan, Korea edition kasunod ang pag-upo sa 5th place noong 2010 sa Guangzhou, China.
Bukod sa Pilipinas, hahataw din sa Aichi-Nagoya Asiad ang six-time champion Japan, Chinese Taipei, China, South Korea, Hong Kong, Singapore at Thailand.
- Latest


















