^

PSN Palaro

Gilas kasado na para sa FIBA World Cup Qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasado na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang laban nito sa FIBA World Cup Asian Qualifiers second round na magsisimula sa Agosto 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sumalang ang Gilas Pili­pinas sa dalawang scrimmages.

Nagharap ang Gilas Pilipinas Team 1 na FIBA World Cup team at ang Gilas Team 2 na sasabak sa Asian Games sa Japan.

Nanalo ang Gilas Asian Games team sa kanilang unang paghaharap bago nakabawi ang Gilas FIBA World Cup Qualifiers team sa ikalawang laro.

Masaya si Cone sa ipi­namalas ng dalawang teams na nagtutulungan upang mapalakas ang kani-kanyang tropa para sa magkaibang events.

“Both teams did a great job of helping each other get ready,” ani Cone.

Bumubuo ng bagong game plan si Cone dahil hindi maglalaro si natura­lized player Justin Brownlee na kasalukuyang nagpapagaling sa injury.

Kaya naman sesentro ang game plan nito sa local players sa pangunguna ni Kai Sotto.

Magiging malaki rin ang papel ni slotman June Mar Fajardo sa dalawang laban ng Gilas kontra sa Jordan at Iran.

Magreretiro na sana si Fajardo matapos ang laban ng Gilas kontra sa Australia sa nakalipas na window ng qualifiers.

Subalit nagpasya ito na ipagpaliban muna ito upang makasama ang Gilas sa second round.

“After the last window, after the Australia game, he gave a long speech in the locker room about how he was going to retire from Gilas similar to what Japeth did previously the year before,” ani Cone.

Kaya naman masaya si Cone na nagbago ang desisyon ni Fajardo dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang team.

“I was happy for him, and players were slapping him on the shoulders, thanking him, and everything. But I was thinking at the same time, he ain’t retiring; I’m not gonna let him retire,” ani Cone.

FIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with