^

Police Metro

Aircon bus, lumagapak sa palayan: 2 utas, 6 sugatan

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang pasahero habang anim ang nasugatan nang lumagapak ang sinasakyan nilang pampasaherong aircon bus sa palayan sa may Barangay Aglipay, Rizal, Nueva Ecija nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Alexander Salvador Villajuan, 43, ng Barangay East Poblacion, Pantabangan; at Genelyn Sansano Carbon, 39, da­laga ng Barangay Ganduz, Pantabangan.

Ang anim na nasugatan ay sina Mildred Grospe, 43, Alexis Vi­llajuan,13, Alendra Vi­llajuan, 19, Clayden Villajuan, 30, Relyn Pimentel, 40, at Carnillo Jacob, 51.

Sumuko naman ang drayber ng bus na si Norman Labrador, 41.

Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-4:00 ng madaling araw ay galing ang Baliwag Transit bus sa terminal nito sa bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija, at patungo sa Cubao, Que­zon City at kalalagpas lang sa paahong tulay nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with