^

Police Metro

P12/litro bawas presyo sa petrolyo ng transport sector

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula Agosto 15 ay ipapatupad na ang dagdag discount ng petrolyo na mula sa P10 kada litro ay magiging P12 na kada litro bawas para sa mga tsuper ng jeepney at UV Express.

Inanunsyo ni Exe­cutive Secretary Ralph Recto matapos ma­pagdesisyunan sa isang pulong kasama sina Budget Secretary Kim de Leon, Public Works Secretary Vince Dizon, Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Transportation Secretary Giovanni Lopez, Education Secretary Sonny Angara, Health Secretary Jose Pujalte Jr., at Agriculture Undersecretary Roger Navarro.

Ayon kay Recto sa sandaling maipatupad ito, aabot sa P1,800 kada linggo ang mapapakinabangan ng mga drivers, dagdag ito sa iniisyal na P10 na discount kada litro na sinimulan noong Abril na nakatulong na sa mahigit 93,000 PUV drivers.

Pinag-usapan sa meeting ang patuloy na pagpapatibay ng mga hakbang ng gobyerno upang protektahan ang ekonomiya, pigilan ang pagtaas ng presyo, at matiyak ang suporta para sa mga sektor na tuwirang naapektuhan ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Bukod dito, inatasan ni Recto ang DSWD na tiyaking aabot ang UPLIFT assistance sa mga nangangailangang sektor, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, mga manggagawa sa transportasyon, konstruksyon, at iba pang manggagawang mababa ang kita.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako ng gobyerno na suportahan ang mga pinakaapektado ng pandaigdigang hamon sa ekonomiya.

OIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with