^

Police Metro

Pastor patay sa ambush ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pastor na miyembro ng isang tribo habang sugatan ang kasamahan nito nang sila ay paulanan ng bala ng riding-in-tandem suspects,naganap sa Brgy.Rizal, San Francisco, Agusan del Sur, nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawing biktima na si Balvino Andaya, 61-anyos, Pastor sa Risen Christ Community Church na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang nasugatan ay nakilalang si Avelino Cajandig, 59-anyos at kasapi ng Banwaon Manobo Talaandig Tribal Council (BAMATa-TC).

Sa ulat ng Agusan del Sur Police, kasalukuyang lulan ang mga biktima ng isang Mitsubishi Montero Sport na galing sa Brgy.del Monte, Talacogon, Agusan del Sur nang sundan at paulanan ng bala ng mga armadong salarin pagsapit sa nasabing lugar.

Bunga nito ay nagpagewang-gewang ang takbo ng behikulo sa kalsada hanggang sa sumalpok ito sa tabi ng isang tindahan  habang mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with