Rebelasyon ng mister na afam,
Dear Dr. Love,
Ewan ko ba, hindi talaga ako naa-attract sa mga lokal na Pinoy. Mas type ko ang mga Afam dahil walang drama at diretso ang usapan.
Kaya nang makilala ko siya online, agad ko siyang pinapunta dito sa ‘Pinas. Nagyaya agad siyang magpakasal, at hindi na ako nagdalawang-isip.
Pero noong honeymoon namin, nagulat ako sa hiling niya. Gusto raw niyang bugbugin ko siya at ipahiya, dahil submissive daw siya.
Nadismaya ako dahil ang gusto ko sa lalaki ay siya ang lider ng pamilya. Ang kapalit daw ng pananakit ay susundin niya lahat ng gusto ko sa buhay.
Pero hindi ko kayang manakit, kahit pa kapalit nito ang pag-ahon ng pamilya ko sa hirap.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Beth
Dear Beth,
Maging tapat ka sa iyong mister tungkol sa pagkakaiba ng inyong personalidad. Pag-usapan ninyo kung paano ninyo mapapanatili ang relasyon nang hindi kinakailangang idaan sa pananakit. Mahalaga ring kilalanin mo siya nang mas malalim upang maunawaan kung bakit ganoon ang kanyang hiling.
Makabubuti kung kukonsulta kayo sa isang doktor o therapist. Sa ganitong paraan, pareho ninyong mauunawaan ang kanyang submissive personality at matutuklasan ang mga paraan upang mapanatili ang inyong relasyon nang walang dahas.
Tandaan mo na mag-asawa na kayo, kaya naman mahalaga na magkasama ninyong lutasin ang anumang issue na makakahadlang para mapanatili ang harmony sa inyong pagsasama.
Kung tunay ang pagmamahalan ninyo para sa isa’t isa, naniniwala ako na malalampasan niyo ang pagkakaiba ng personalidad.
Dr. Love
- Latest


















