^

Bansa

Tigil pasada kasado sa Marso 19

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tigil pasada kasado sa Marso 19
ahagyang nabawasan ang mga pumapasadang pampasaherong sasak yan dahil sa sunudsunod na taaspresyo sa petrolyo. Sa Huwebes, Marso 19 ay maglulunsad ng tigil pasada ang grupong Piston.
Edd Gumban

MANILA, Philippines —  Nagbanta ng isang malakihan at malawakang tigil pasada ang grupo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Metro Manila at ibang panig ng bansa sa Huwebes, Marso 19.

Ayon kay Ka Mody Floranda, national president ng Piston, hindi lamang mga tsuper at operators ng mga pampasaherong sasakyan ang magsasama-sama sa tigil pasada kundi ma­ging ang grupo ng mga manggagawa na lubhang apektado na ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na umabot na sa halos P70 kada litro ng diesel na gamit ng mga pampasaherong jeep.

Aniya, pangunahing demand ng kanilang grupo ang pagbasura sa ipinatutupad na VAT at Excise Tax sa importasyon ng langis, ibalik  sa P55 kada litro ang presyo ng petrolyo at dagdagan ng P5 ang pasahe sa jeep.

Sinabi ni Floranda na kung hindi aalisin ng gobyerno ang VAT at E-Vat sa oil imports, lalung tataas ang presyo ng petrolyo lalo na ngayong may tensiyon pa sa Gitnang Silangan.

Ayon pa kay Floranda, ang P5,000 fuel subsidy na ipagkakaloob ng pamahalaan sa mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan ay panandalian lamang hindi tulad ng pagtatanggal ng Vat at E-vat sa oil imports na pang matagalang relief sa kanilang hanay.

Aniya, anumang araw mula ngayon ay magsusumite na ang Piston sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P5 na dagdag sa minimum na pasahe.

Sa ngayon ay nasa P13 ang minimum na pasahe sa jeep.

MODY FLORANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with