^

Bansa

Dizon, napamura sa grabeng pagyanig ng Mauca Bridge

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi naiwasang mapamura ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon dahil sa lakas nang naganap na pagyanig ng Mauca Bridge sa Camarines Sur, matapos na dumaan ang isang malaking truck na may kargang bakal papuntang Bicol doon, habang siya ay nagsasagawa ng inspeksiyon doon.

“P*tang ina, delikado ‘to,” ayon kay Dizon, na makikita sa isang video na napahawak pa sa tulay, nang biglang yumanig dahil sa pagdaan ng naturang malaking truck.

“I can even feel it (pagyanig).. I can feel it with them. This is dangerous,” aniya pa.

“It’s f..king scary,” dagdag pa ni Dizon, sa isa pang video na ipinaskil ng DPWH sa kanilang Facebook page, upang idokumento ang pag-i-inspeksiyon sa tulay.

Bunsod nito, kaagad na ipinag-utos ni Dizon na i-assess ang kondisyon ng tulay at kaagad na ipaayos ito dahil delikado ito sa mga motorista at mga residenteng dumadaan doon

MAUCA BRIDGE

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with