^

Bansa

5 taong termino ng barangay Sangguniang Kabataan lusot na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
5 taong termino ng barangay Sangguniang Kabataan lusot na sa Senado
Ang panukala na iniakda ni Senate President Francis Escudero, ay nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at SK, na may limitasyong dalawang termino.
STAR / File

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagtatakda sa limang taon na termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK). Bumoto pabor ang 13 senador sa Senate Bill No. 2387, habang lima ang kumontra at walang nag-abstain o hindi bumoto.

Ang panukala na iniakda ni Senate President Francis Escudero, ay nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at SK, na may limitasyong dalawang termino.

Dahil dito, ipinagpapaliban din ng panukala ang Barangay at SK elections na nakatakda sanang idaos sa Nobyembre 2, 2026, at ililipat ito sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.

Inaprubahan na rin ng House of Representatives ang kahalintulad na panukala. Dahil dito, isasailalim ito sa bicameral conference committee upang pag-isahin ang bersyon ng Senado at Kamara bago isumite sa Pangulo para malagdaan at maging ganap na batas.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with