PANOORIN: Marcos, sinagot ang batikos sa ‘drama’ sa pag-aresto kay Romualdez
MANILA, Philippines — Tinugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batikos sa umano’y special treatment at “drama” sa pag-aresto sa dati niyang House speaker at pinsan na si Martin Romualdez.
“Hindi iyon komento sa mga proseso ng korte. Isa lang iyong panibagong pag-atake. Madalas naman kaming makatanggap niyan,” ani Marcos sa Kapihan with the Media sa India nitong Linggo, Setyembre 13.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y pagtanggap ng P7.44 bilyong kickbacks mula sa mga proyekto ng gobyerno sa imprastraktura.
Samantala, sinabi ni UP-Philippine General Hospital Director Gerardo Legaspi sa Sandiganbayan Third Division nitong Lunes, Setyembre 14, na maituturing nang “clinically stable” si Romualdez at wala nang “medical need” para manatili siya sa ospital.
Gayunman, sinabi ni Legaspi na kailangan pa rin ni Romualdez ng patuloy na gamutan at medikal na pagsubaybay.
Batay sa pagsusuri ng UP-PGH, mababa rin umano ang panganib na atakihin sa puso si Romualdez, habang kontrolado ang kanyang hypertension, diabetes at chronic cerebrovascular disease.
- Latest























