Pinay inaresto sa US crackdown!

MANILA, Philippines — Isang Pinay ang kabilang sa 10 naaresto ng mga operatiba ng US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa ginawang operasyon nitong New Year’s Eve at New Year’s Day.
Kinilala ng US Department of Homeland Security Office of Public Affairs ang Filipina na si Karen Empaynado.
Base sa record, si Empaynado ay nasentensyahan na rin dahil sa mga kasong pagnanakaw, grand theft, at battery sa Deltona, Florida.
Bukod sa Pinay, naaresto rin ng US Homeland Security operation ngayon unang buwan ng 2026 bilang mga illegal aliens ang mula sa Mexico, Honduras, Jamaica, Dominican Republic, at Cuba.
Ang mga naaresto ay isasailalim sa removal proceedings.
Sa datos ng Department of Homeland Security, mahigit sa kalahating milyong illegal aliens ang naaresto mula Enero 20-Disyembre 10, 2025 kung saan kabilang dito ang mga undocumented Pinoys.
- Latest

















