^

Bansa

Pamilya Poe nagpa-gift giving sa 2nd death anniv ni Susan Roces

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginunita ng pamilya Poe sa pamamagitan ng gift giving at isang misa ang ika-2 taong pagkamatay ng batikang akres na si Susan Roces nitong Lunes.

Kasama ni Sen. Grace Poe ang anak na si Nika at ilang kamag-anak sa pamilya Sonora, dumalo ang mga ito sa sa isang misa sa Sanctuario De San Jose sa lungsod ng San Juan bago pa man tumungo sa mausoleum ng kanilang pamilya sa Manila North Cemetery upang mag-alay ng bulaklak at magsindi ng kandila. Si Roces ay nakahimlay sa tabi ng kanyang yumaong asawa na si National Artist Fernando Poe Jr.

Ayon kay Poe, lubha at sobrag nami-miss na niya ang kanyang pakikipag-usap o kwentuhan sa kanyang ina na kung saan palagiang may kasamang payo ng isang ina.

“Sa rami ng nangyayari sa ating bansa at sa ating personal na buhay, nami-miss mo ‘yung taong nagbibigay ng tatag at pakiramdam na panatag. We recall with great affection Susan Roces’ meaningful life, her legacy to the entertainment industry, and all she meant to many of us,” ani Poe.

Samantala, ang anak ng senadora na si Brian Poe Llamanzares at kanya ring chief of staff at chairman ng FPJ Panday Bayanihan Foundation ay namahagi ng foods pack sa 200 pamilya na ninirahan sa sementeryo.

Binigyang-linaw ni Poe na ganito nais ng kanyang ina na ipagdiwang ang kanyang kamatayan.

vuukle comment

FERNANDO POE JR.

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with