^

Bansa

Higit 4.2 milyong botante, inalis sa listahan ng Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 4.2 milyong rehistradong botante ang inalis na sa official list ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Sa datos na inilabas ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hanggang nitong Mayo 16, 2023, kabuuang 4,239,483 mga botante ang aalisin nila mula sa voter’s list.

Ibabawas aniya ito mula sa kabuuang 68 milyong registered voters sa bansa.

“4.2M voters will be deactivated. Hence deductible to the present total no. of voters of 68M,” mensahe pa ni Garcia sa mga mamamahayag.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang idi-deactivate dahil sa pagkabigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan na umabot sa 4,237,054.

Sumunod ang nasa kategoryang ‘excluded per court order,’ na nasa 1,829.

Nasa 595 naman ang deactivate dahil sa kabiguang ma-validate; tatlo ang dahil sa pagkawala ng Filipino citizenship; at dalawa ang napatawan ng pinal na sentensiya ng hukuman.

Pinakamarami namang idi-deactivate na botante sa Region 4A (Calabarzon) na umabot sa 733,903 at Region 3 (Central Luzon) na nasa 503,297.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with