^

Bansa

Mid-year bonus ng government employees ibibigay na ngayon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Mayo 15 ay makakatanggap na ng mid-year bonus ang mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.

Pinaalalahanan naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang lahat ng ahensiya at tanggapan ng gobyerno na ibigay agad sa tamang oras ang bonus ng mga empleyado, na naaayon sa umiiral na rules and regulations.

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno at ito ay ibinibigay sa mga karapat-dapat na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1, 2023 hanggang Mayo 15, 2024.

Ang kawani ay dapat nasa serbisyo pa rin mula Mayo 15 ng kasalukuyang taon at dapat ay nakatanggap ng hindi bababa sa satisfactory performance rating sa pinakahuling ­rating period, o naaangkop na panahon ng performance appraisal.

Ibibigay ang mid-year bonus sa mga civilian personnel, kasama ang mga regular, casual, at contractual employees at kasama rin dito ang mga appointive o elective positions, maging full-time o part-time, sa mga sangay ng Executive, Legislative, at Judicial branches, Constitutional Commissions, iba pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) na sakop ng Compensation and Position Classification System (CPCS), pati na rin ang mga local government units (LGUs).

Kasama rin ang mga military at uniformed personnel tulad ng mga miyembro ng Armed Forces of the Phi­lippines, Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Peno­logy, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

vuukle comment

EMPLOYEES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with