^

Bansa

Quiboloy ‘di pahuhuli nang buhay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Quiboloy �di pahuhuli nang buhay!
Pastor Apollo Quiboloy.
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Hindi ninyo ako mahuhuli ng buhay!

Ito ang mariing sinabi nitong Sabado ng kontro­bersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng warrant of arrest na inisyu laban dito ng korte.

“Tatayo ako na ‘di pasasakop sa injustice, tatayo ako for constitutional rights, ‘di magpapasakop sa oppression, buti pa mamatay ako sa kamay ng mga Pinoy kaysa mamatay sa kamay ng mga puti na nasa ibayong dagat ‘di ako papayag sa ganong sistema, tutulo ang dugo ko sa sariling bansa, ‘di ninyo ako mahuhuli ng buhay, buti pa barilin na ninyo ako huwag lang mangialam ang Amerika,” pahayag ni Quiboloy na gumaralgal ang boses sa paglalahad ng mensahe nitong Sabado na iniere sa Sonshine Media Netwok International (SMNI).

Sinabi ni Quiboloy na mas mabuti pang barilin na lamang siya ng kapwa niya Pilipino kaysa hulihin nang buhay.

Ayon kay Quiboloy, ayaw niyang sumuko dahil ang ‘end game’ umano ay ‘extra ordinary rendition’ kung saan ibibigay siya ng gobyerno sa mga Amerikano.

Si Quiboloy ay hahaharap sa mga kasong sex trafficking at human trafficking sa Estados Unidos at under surveillance rin umano siya ng Central Intelligence Agency (CIA ) ng Amerika na nagpapalipad ng drone sa kaniyang compound at mga propriedad ­(pag-aari) sa Davao City at maging sa Island Garden City of Samal.

“Dadalhin sa Maynila, babagsak sa kamay ng mga puti, under surveillance para kang manok na pumunta sa bitag,” ani Quiboloy na muling iginiit na pinoprotektahan lamang niya ang kaniyang sarili kaya hindi siya lumalantad.

Sinabi ni Quiboloy alam na umano niya ang ‘playbook’ sa pagitan ng gob­yerno at ng mga Amerikano kung saan kapag itinurnover umano siya sa pamahalaan ng Amerika ay ‘assassination’ ang kaniyang aabutin doon at ­palilitawin umanong inatake siya sa puso.

Samantala nagbigay rin si Quiboloy ng demand sa gobyerno, kay PNP Chief P/General Rommel Francisco Marbil, National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat umanong lagdaan ng mga ito sa isang dokumento na igagarantiya na hindi siya ibibigay at mang­himasok ang mga Amerikano ay lilitaw siya kahit saang dako ng Pilipinas para harapin ang kaniyang mga kaso.

Ayon kay Quiboloy, kung hindi ito maigaga­rantiya sa kaniya ay hindi siya pahuhuli nang buhay at handa rin siyang ipagtanggol ng kaniyang mga tagasunod sa KOJC.

Muli ring nanindigan si Quiboloy na wala umanong katotohanan ang mga kasong ibinibintang sa kaniya na aniya’y matagal na nadismis at pilit lamang umanong binubuhay.

“Simple lang ang mga kaso ko, ang iniiwasan kong mangyari ay ang extra rendition sa mga puti (Amerikano), I want to preserve myself, ‘di ako pupunta sa patibong ng tao para kanila akong bawian ng buhay,” ani Quiboloy.

Idinagdag pa ni Quiboloy na nakahanda siyang maging martir tulad ng mga bayaning sina Gat Jose Rizal at Andres Bonifacio na namatay sa sariling bayan huwag lang sa bansang banyaga tulad ng Amerika.

vuukle comment

KOJC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with