^

Bansa

DOJ: Medical parole sa may sakit na inmates, pwede na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible na umanong mapalaya ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na dumaranas ng malalang ka­ramdaman, sa pamamagitan ng medical parole.

Sa paglulunsad ng Dagupan City Justice Zone kahapon, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vazquez na bubuo sila ng technical working group (TWG) para dito.

Ang naturang TWG ay kinabibilangan umano ng mga kinatawan mula sa DOJ, Department of Health (DOH) at iba pang non-governmental organizations (NGOs).

Ipinaliwanag nito na may mga pagkakataon na kaila­ngang alisin na sa piitan ang isang PDL dahil sa malalang karamdaman at ilipat ng pagamutan.

May mga sitwasyon din aniya na hindi pa nararapat sa executive clemency ang PDL kaya’t hindi pa ito maaaring palayain ngunit mayroon naman itong malalang sakit o may taning ang buhay kaya’t aplikable sa kanila ang medical parole.

Si Vazquez ay kabilang sa mga nanguna sa laun­ching ng Dagupan City Justice Zone ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) na binubuo ng Supreme Court (SC), DOJ at DILG.

Ang Dagupan City Justice Zone ay pang-13 Justice zone na naitayo sa bansa.

Ang justice zones ay mga strategic at geographic locations na nakapokus sa koordinasyon sa SC, DOJ, DILG at iba pang JSCC partners para sa mabilis at episyenteng pagpapatupad ng hustisya.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with