^

Bansa

DOTr leadership: online ticketing ng PPA sa mga barko ituloy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatuloy ang online ticket ng Philippine Ports Authority (PPA) para hindi mahaba ang pila ng mga pasahero sa kanilang ticke­ting counters.

Bahagi ito ng naging paliwanag ni Department of Transportations (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa media nang siya ay makapanayam sa pagbisita sa Manila North Port bilang bahagi ng pagmonitor sa daloy ng mga mananakay sa barko ngayong panahon ng Semana Santa.

Si Bautista ay sinamahan ni Philippine Ports Authority (PPA) GM Jay Santiago sa pag-iikot sa naturang passenger terminal na nagsisilbi sa mga pasaherong tutungo ng Visayas at Mindanao.

Ayon kay Bautista, panahon na para pag-aralan ang naunang online ticketing system na inisyal na ipinatupad ng PPA sa mga shipping companies matapos maobserbahan ni GM Jay Santiago na paulit-ulit ang mga eksena ng mahabang pila ng mga pasahero sa mga ticketing booths sa mga pantalan tuwing sasapit ang ganitong panahon.

Matapos ang paghaha­yag ng suporta sa nabanggit na programa ng PPA, personal din na nanawagan si Bautista sa mga shipping companies na itaas ang kalidad ng serbisyo ng mga ito sa mga pasahero.

“Nanawagan parin kami dun sa mga shipping companies na i-improve nila ‘yung kanilang mga boo­king systems. Mas importante maayos ‘yung boo­king sytems nila. Parang sa airlines, pwede kang bumili ng ticket online, pwede kang bumili ng ticket sa mga travel agencies. Maraming options, siguro ganun din dapat ang mangyari sa mga shipping companies natin para hindi mahaba ‘yung pila sa mga counters,” banggit ni Bautista.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with