^

Bansa

Supply boat ng Pinas kinanyon uli ng tubig ng China, wasak!

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Supply boat ng Pinas kinanyon uli ng tubig ng China, wasak!
Chinese vessel BN21551 blasting Philippine Supply vessel Unaizah May 4 (UM4) with water cannons.
Video grabbed from the Armed Forces of the Philippines (AFP) Facebook

MANILA, Philippines — Binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang supply boat ng Pilipinas habang papalapit sa Ayungin Shoal, Sabado ng umaga.

Matinding napinsala ang Unaizah Mayo 4 (UM4) na magdadala lamang ng suplay para sa tropa ng Pilipinong sundalo na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) alas-6 ng umaga nang magsagawa ng mapanganib na maniobra ang isang barko ng CCG at humigit-kumulang sa isang oras ay isang “reverse blocking maneuver” naman na halos makabanggaan na ng UM4.

Dagdag pa sa ulat, makaraan ang ilang minuto, ang napahiwalay na Philippine Coast Guard escort vessel na MRRV 4409 sa UM4 ay hinarang at pinalibutan ng isang CCG vessel at dalawang Chinese militia ships.

Alas-8:52 ng umaga nang i-water cannon ng CCG ang UM4.

Ayon sa PCG, ang UM4 din ang una nang binomba rin ng tubig ng CCG nitong buwan ito kung saan apat na tripulante ang nasaktan.

Magugunita na ang CCG ay nasangkot na sa maraming insidente ng pambu-bully at pambo­bomba ng water cannon laban sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission.

Ang pinakahuling insidente kamakailan ay ikinasugat ng apat na crew ng sibilyang vessel na nabasag ang windshield sa water cannon ng CCG.

vuukle comment

CCG

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with