^

Bansa

Kaso ng HIV sa Pinas aabot ng 500K sa 2030

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng HIV sa Pinas aabot ng 500K sa 2030
Sa pulong-balitaan sa Quezon City nitong Sabado, Marso 23, sinabi ni DOH-Undersexretary Eric Tayag na mula sa dating anim na kaso ng HIV kada araw, tumaas na ito sa 50 bagong kaso sa bawat araw, na maaring umakyat na sa ‘di bababa sa 500,000 sa paglakad ng panahon hanggang 2 030.
AFP

MANILA, Philippines — Posibleng lumobo sa bilang na kalahating milyon ang kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa pagsapit ng 2030, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pulong-balitaan sa Quezon City nitong Sabado, Marso 23, sinabi ni DOH-Undersexretary Eric Tayag na mula sa dating anim na kaso ng HIV kada araw, tumaas na ito sa 50 bagong kaso sa bawat araw, na maaring umakyat na sa ‘di bababa sa 500,000 sa paglakad ng panahon hanggang 2 030.

Tumataas ang bilang ng 15-24 age bracket bagamat mas nakararami pa rin ang nasa edad na 25-34.

“Ang tantiya po namin ay nasa 185,000 may HIV at sa mga ilang taon pa ay baka umabot tayo ng kalahating milyon in 2030,” aniya.

Mababa o nasa 40% lang ang nagpapa-HIV tests na malayo sa 90-90-90 goal ng DOH o 90 porsiyentong nasa panganib ay dapat masuri, 90 porsiyento ay dapat sumasailalim sa paggamot, at 90 porsiyento ay dapat makamit ang magagandang resulta.

Kabilang din sa binabantayan ang mga buntis na OFWs at mga nagpapa-inject ng gamot na ‘illegally prescribed, dahil posibleng kontaminado ang ginamit na karayom.

vuukle comment

DOH

HIV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with