^

Bansa

DOH ‘code white’ sa Semana Santa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
DOH �code white� sa Semana Santa
Vendors are seen selling “palaspas” or palm leaves at the entrance of Baguio Cathedral on Saturday, a day before Palm Sunday.
Andy Zapata Jr./The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Itinaas ng Department of Health (DOH) sa Code White Alert ang pagdiriwang ng Semana Santa bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbiyahe ng mga indibidwal at pamilyang tutungo sa mga probinsya, tourist spots, at mga lugar ng pagsamba.

Simula ang Code White Alert ngayong Linggo,  Marso 24, 2024 hanggang Marso 31, 2024.

Ang Code White Alert ay idineklara sa mga pambansang kaganapan, pista opisyal, o pagdiriwang na posibleng magdulot ng mga insidente o emerhensiya ng mass casualty. Sa panahon ng Code White Alert, ang mga natukoy na medikal na tauhan at kawani ay naka-standby para sa agarang pagtanggap at paggamot ng mga papasok na pasyente sa mga ospital.

Sa pamamagitan ng Health Emergency Manage­ment Bureau (HEMB), ang DOH ay patuloy na nagsasagawa ng aktibong monitoring. Lahat ng DOH Centers for Health Development (CHDs) sa mga rehiyon ay nakikipag-ugnayan sa kani-kanilang Regional o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, lalo na sa mga tourist attraction at religious areas.

Nagpaalala ang DOH sa publiko na uminom ng mara­mi at ligtas na tubig upang maiwasan ang dehydration; Iwasan ang matagal na pagkakalantad sa init upang mabawasan ang epekto ng mataas na temperatura tulad ng pagkapagod sa init o heat stroke;  Mag-ingat sa mga umuusbong na sakit ngayong tag-araw kabilang ang sore eyes, prickly heat (bungang araw), pantal, ubo at sipon, mga sakit sa balat, at mga sakit na dala ng vector tulad ng Dengue; Palaging pangasiwaan ang mga bata kapag lumalangoy o iba pang aktibidad sa tubig.

"The DOH family joins all Filipino families in the solemn and healthy observance of Holy Week 2024. Following instructions of President Marcos, hospitals are now on Code White Alert, always ready to care for patients in the event of any medical crisis. Let us pray and hope for continued safety and health for the country, dahil Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga," ani Health Secretary Teodoro  Herbosa.

Para sa mga agarang ulat, maaaring tawagan ang DOH HEMB-OpCen sa pamamagitan ng mga mobile phone number 0917-8059756 o 0917-8619528, numero ng telepono (02) 8651-7800 local 2206/2207, o mag-email sa [email protected].

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with