^

Bansa

Kate Middleton, Princess of Wales na-diagnose na may cancer

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Catherine, Princess of Wales na mayroon siyang cancer at sumasailalim na sa chemotherapy.

Kasabay nito, nanawagan si Catherine o mas kilala bilang Kate, ng oras, espasyo at privacy habang tinatapos ang kanyang gamutan.

Base sa ulat, nadiskubre ang cancer ni Kate matapos ang kanyang matagumpay na operasyon sa tiyan nitong Enero na kanyang ikinagulat,

“In January, I underwent major abdominal surgery in London and at the time, it was thought that my condition was non-cancerous,” ayon sa kanyang video statement.

Sa kabila nito maayos naman ang lagay ng Princess of Wales habang patuloy na nagpapalakas araw-araw.

Matatandaan na Pebrero rin nitong taon ng sumailalim sa gamutan si King Charless III  dahil din sa cancer dahilan para ikansela lahat ng public engagements niya.

Ikinagalak din ni King Charles ang katapangan ni Kate na ianunsiyo sa publiko ang kanyang pinagdaraanan.

Si Kate, 42, ay asawa ni Prince William na tagapagmana sa trono ni King Charles.

vuukle comment

KATE MIDDLETON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with