^

Bansa

Hinaing ng transport groups sa PUVMP, dininig ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang malalaking samahan ng mga tsuper at local manufacturers ng modernong jeepney sa pakikinig ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanilang hinaing laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ikinatuwa nina Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at O­perators Nationwide (PISTON) President Mody Floranda at Manibela President Mar Valbuena ang pagpapasok sa kanila ni Romualdez sa loob ng Kamara nitong Miyerkules habang nasa rally sa labas ng Batasan.

Sa konsultasyon, tiniyak ni Romualdez na ilalapit niya kay Pangulong Marcos ang kanilang pagpalag sa mahahaling mo­dernong jeep na nagka­kahalaga ng P2.6 mil­yon mula sa China sa ilalim ng consolidation program kumpara sa mas murang local na modernong jeep na hindi pa aabot ng P1 milyon.

Wala pang isang oras matapos umapela si Romualdez, inihayag ng Malacañang ang pagpapalawig sa deadline sa consolidation program sa loob ng tatlong buwan.

Sa dayalogo nitong Biyernes nina Elmer Francisco ng eFrancisco Motor Corp. at Ed Sarao ng Sarao Motors kay Romualdez, tiniyak ng huli na bibigyang pansin ng administrasyong Marcos ang pagpapalakas sa paggawa ng lokal na sasakyan na nakasusunod sa international standards.

Bagama’t kinikilala ang kahalagahan ng dayuhang pamumuhunan, sinabi ni Romualdez na prayoridad ng gobyerno ang pagkakaroon ng maaasahan, matatag, ligtas at hindi mahal na pamasadang jeepney na gawa ng Pilipino.

ED SARAO

PUVMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with