^

Bansa

2 patay naitala dahil sa LPA, Shear Line; Agri damages nasa P38.59-M na

James Relativo - Philstar.com
2 patay naitala dahil sa LPA, Shear Line; Agri damages nasa P38.59-M na
This handout photo taken on November 21, 2023 and received from the Philippine Coast Guard on November 22 shows coast guard personnel evacuating an elderly resident from a flooded home due to heavy rains at a village in Catarman town, Northern Samar, central Philippines.
AFP/Handout/Philippine Coast Guard (PCG)

MANILA, Philippines — Lalo pang dumami ang nababalitang patay dulot ng pinagsamang epekto ng masungit na panahon dulot ng low pressure area at Shear Line, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa huling situation report ng NDRRMC ngayong Biyernes, ibinalitang umabot na sa 879,425 katao na ang naaapektuhan ng mga pag-ulan:

  • patay: 2
  • sugatan: 1
  • lumikas: 74,290
  • nasa loob ng evacuation centers: 41,595
  • nasa labas ng evacuation centers: 32,695

Huwebes lang nang maibalitang kasama sa mga bineberipikang namatay ang isang babaeng nabagsakan diumano ng puno sa Eastern Visayas.

Sinasabing binaha at nakaranas ng mga landslide o pagguho ng lupa ang mga sumusunod na lugar dahil na rin sa epekto ng mga pag-ulan:

  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region 
  • Western Visayas
  • Eastern Visayas
  • CARAGA

"A total of 253 damaged houses are reported in Region 5, Region 6, Region 8," wika pa ng NDRRMC kanina.

"A total of 47 cities/municipalities were declared under the State of Calamity."

Sa tuwing may state of calamity, nagpapatupad ng "price freeze" sa mga pangunahing bilihin sa mga nasabing lugar. Sa pagkakataong ito, dalawang probinsya na sa Eastern Visayas ang nasa ilalim nito.

Umabot naman na sa 1,571 magsasaka't mangingisda ang naapektuhan ng masamang panahon. Ang mga nabanggit ay umaasikaso sa 1,484.14 ektarya. Nasa 88.5 ektarya rito ay wala nang pag-asang makabangon pa, sabi ng gobyerno.

Sinasabing nagkakahalaga ng P38.59 milyon na ang halaga ng pinsala ng mga nabanggit sa sektor ng agrikultura sumatutal.

Nakapamahagi naman na ng nasa P51.86 milyong halaga ng ayuda sa mga nasalanta ng LPA at Shear Line sa porma ng family food packs, family kits, tulong pinansyal, hygiene kits, atbp.

Kalat-kalat na pag-ulan

Bagama't wala nang umiiral na LPA sa loob ng Philippine area of responsibility, makararanas naman ng ilang pag-ulan sa bansa dulot pa rin ng Shear Line.

"Makararanas pa rin tayo ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa ilang bahagi ng Luzon at sa Visayas," ani DOST-PAGASA weather specialist Aldczar D. Aurelio kaninang madaling araw.

"Dulot po 'yan ng Northeast Monsoon o Amihan, Shear Line at Easterlies."

 

 

Tumutukoy ang Shear Line ang linya sa atmosphere kung saan nagsasanib ang malamig na hangin (Amihan) at mainit na hangin (Easterlies). Tinawag ito noong buntot ng frontal system.

Nabubuo ito sa bansa tuwing Amihan season, kadalasan mula Nobyembre hanggang Marso. Pinakabulnerable ang silangang bahagi ng bansa rito.

vuukle comment

CASUALTIES

EASTERN VISAYAS

LOW PRESSURE AREA

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with