^

Bansa

UPLB stude na napatay sa Oriental Mindoro kilala na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangalanan na ng militar nitong Miyerkules ang estudyante ng UP-Los Baños at miyembro ng LGBTQ na napatay sa isang engkwentro sa Oriental Mindoro.

Sa ‘virtual press conference’ ng Integrated Communications Operations Center (ICOC) ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kinilala ni Brig. Gen. Randolph Cabangbang, commander ng Army’s 203rd Infantry Brigade, ang estudyante na si Jethro Isaac Ferrer a.k.a. Bondo, tubong Pangasinan.

Nanawagan si Cabangbang kay Yvann Zuñiga a.k.a. Paolo at umano’y karelasyon ni Ferrer na lisanin na ang komunistang-teroristang samahan para na rin sa kanyang kapakanan at magandang kinabukasan.

Isinisi ni Cabangbang ang pagkamatay ni Ferrer sa mga opisyal ng unibersidad at ng ilang mga magulang na pinababayaang mapasok ang paaralan ng mga ‘legal fronts’ ng CPP-NPA-NDF, na sumisira ng mga kinabukasan ng mga kabataang Filipino.

Samantala, sa isa namang ‘webinar’ ng Samar-based 802nd Infantry Brigade, iminungkahi ni National Youth Commission (NYC) Chairman Undersecretary Ronald Gian Carlo Cardema ang pagbabalik din ng Citizens Army Training (CAT) sa mga high school.

Si Cardema na siya ring sumusuporta sa mu­ling implementation ng Reserve Officers Training Course (ROTC) sa mga kolehiyo, ay nagsabing ang pagbabalik ng CAT sa high school level ay pa­raan na din upang maiiwas ang ating mga kabataan na ma-recruit ng NPA.

vuukle comment

LGBTQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with